Raffle promo para sa mga pamilyang bakunado isasagawa ng LGU-Irosin

SORSOGON CITY – Sa layuning mahikayat ang mamamayan ng bayan ng Irosin na magpabakuna kontra Covid-19, isang raffle promo na pinamagatang “Panalo ang Bakunado” ang inorganisa ng nasabing LGU.

Sa promo ay isang pamilya ang may t’yansang manalo ng  P20,000 para sa grand prize, P15,000 sa 2nd prize at tatlo naman ang maaaring mag-uwi ng P10,000 para sa third prize.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Limampu (50) naman ang mananalo ng tig-iisang sako ng bigas habang 3 naman ang mananalo ng Social Housing Slot at P5,000.

Kwalipikadong kasali sa raffle ang mga pamilya na lahat ng kanilang mga miyembro ay bakunado na.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Ang raffle ticket ay ibibigay ng kanilang Barangay Health Worker at ang mga filled- up official stubs ay kailangan munang ibigay sa Barangay Midwife o sa kaniyang representante upang maverify bago mapapayagan ang kasali na ihulog ito sa tambiolo.

Ang raffle na nakatakdang isagawa sa Februray 14 ng kasalukuyang taon at idadaos sa pamamagitan ng isang virtual conference upang maiwasan ang mass gathering.