Rachelle Ann Go, magbabalik bilang Fantine sa ‘Les Misérables’ concert

Muling makakapag-perform si Rachelle Ann Go bilang Fantine sa gaganaping “Les Misérables” concert sa London.

Inanunsyo ang concert sa official Instagram page nito na “lesmizofficial” kung saan ay makikita ang larawan ni Rachel habang nagpeperform bilang si Fantine.

Sa caption ng post ay mababasa, “From August 31, Rachelle Ann Go will once again dream the dream as Fantine for six shows only,”

Kung maalala ay ibinunyag ni Rachelle na tinanggihan niya ang concert noong December dahil sa kaniyang pagbubuntis.

Matatandaan na ginampanan ni Rachelle ang papel ni Fantine sa West End Production ng musical sa London noong Marso, 2020.