Rachel Peters, ipinakita ang kaniyang baby bump journey

Ipinagmalaki ni Miss Universe Philippines 2017 Rachel Peters ang kaniyang baby bump journey sa kaniyang huling Instagram post.

Doon ay makikita ang serye ng selfies ni Rachel kung saan ay makikita ang kaniyang lumalaking tiyan.

Mababasa sa caption nito, “Not that anyone asked but here’s my week 5-29 bump explosion,”

Dagdag niya, “I think it’s safe to say I’ve officially popped.”

Sa comments section naman ay sinabi ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo na “glowing” ang kaniyang “Momma Rachel!”

Kung maalala ay nagpalitan ng “I do’s” sina Rachel at Camarines Sur Governor Migz Villafuerte noong nakaraang buwan.