Quirino PPO personnel, ginawaran ng Medalya Ng Papuri at Kagalingan

Ginawaran ng Medalya ng Papuri at Kagalingan ang mga personnel ng Quirino Police Provincial Office (QPPO) kaalinsabay ng pabisita ni PRO 2 Regional Director PBGen. Steve Ludan dahil sa kanilang masigasig na pagsasagawa ng Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) at kampaniya kontra insurhensiya.

Kabilang sa mga nabigyan ng medalya ng papuri ang mga kasapi ng Maddela Municipal Police Station bilang Number 1 at pumangalawa naman ang Diffun Police Station.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

Habang ang Nagtipunan, Saguday, Aglipay at Cabarroguis Municipal Police Stations ay parehong nasa ikatlong pwesto.

Nakatanggap din ng Medalya ng Kagalingan ang 2nd Provincial Mobile Force Company ng Quirino PPO dahil sa kanilang maigting na kampaniya ng End Local Communist Armed Conflict (ELCAC) na nagresulta sa pagbabalik-loob ng mga former member ng Militia ng Bayan.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Kinilala rin ang proyekto na free circumcision ng 1st Provincial Mobile Force Company na Project “BATMAN” o “Be A Total Man”.

Samantala, binigyang diin naman ni PBGen. Ludan ang Istriktong pagsunod ng kapulisan sa Intensified Cleanliness Policy ng PNP.

Inihayag din niya ang tamang paggamit ng pondo ng institusyon para sa pagbibigay serbisyo at pagsasakatuparan ng mga programa ng kapulisan.