Inamin ni Apollo Quiboloy ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na nag-iingat na ito para sa kaniyang buhay.
Inakusahan kasi ng televangelist na ‘di umano’y pina-plano ng gobyerno ng Amerika na ipapatay siya.
Sa isang voice message kung saan ay ‘di niya ipinakita ang kaniyang mukha – sinabi ni Quiboloy na magsasagawa raw sana siya ng press conference pero may banta raw sa kaniyang buhay.
Binatikos din nito si Senadora Risa Hontiveros at iba pang mga mambabatas dahil sa ‘di umano’y pagtapak sa kanilang press freedom matapos suspendihin ang kaniyang network na SMNI.
Kinontra rin ni Quiboloy ang mga alegasyong pinagsasamantalahan niya ang kaniyang mga babaeng followers dahil sa katunayan – ‘siya pa raw ang pinag-aagawan.
Kung maaalala – mayroon nang magkahiwalay na subpoena ang Senado at Kamara laban kay Quiboloy para dumalo ito sa magkahiwalay din na pagdinig ng dalawang Kapulungan ng Kongreso.
#