Opisyal nang ni-revoke ng kampo ni Apollo Quiboloy ang kanilang acceptance of nomination mula sa Workers’ and Peasants’ Party o WPP.
Kung maalala kasi, sa certificate of candidacy (COC) ni Quiboloy ay inilagay niya ang WPP sa kaniyang nomination.
Matapos nito’y agad na pumalag si Atty. Sonny Matula at sinabi sa panayam ng Brigada NewsFM Manila na magpe-petisyon sila para tutulan ang kandidatura ng televangelist.
Ngayong hapon, lumiham si Quiboloy sa COMELEC pamamagitan ng kaniyang abugado na si Atty. Mark Tolentino para i-revoke ang kanilang CONA sa WPP.
Ibig-sabihin, ‘independent’ nang tatakbo ang KOJC leader sa Senado.
Sabi ni Tolentino, mayroon umanong ‘away sa loob’ ng partido at ayaw nilang mapabilang sa intra-party dispute.