Hindi pa matukoy ng Philippine National Police (PNP) kung anong grupo ang dumukot sa American national na si Elliot Eastman noong Huwebes ng gabi sa Sibuco, Zamboanga del Norte.
Ayon kay Police Regional Office 9 Spokesperson Lt Col. Helen Galvez, wala pa rin nakikitang ‘proof of life’ sa dayuhan.
Wala pa rin ransom demands mula sa mga abductors.
Mayroon ng hawak na mga persons of interest ang Critical Incident Management Task Group na binuo ng PNP na ngayon ay under investigation.
Nauna nang nagpaalala sa dayuhan ang PNP na mag-relocate ito ng lugar dahil sa history ng abduction sa rehiyon na ang pinakahuli ay noong 2020.
Nakatira kasi siya at asawa sa tabi ng dagat.
Nagpapatuloy ang hot pursuit operation ng PNP sa mga abductors.