Quiboloy – bawal mag-gadget sa kulungan

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi makagagamit ng social media o anumang gadget si Apollo Quiboloy para sa pangangampanya online.

Ito’y kasunod ng kanyang paghahain ng kandidatura sa pagka-senador.

Read More:  House of Representatives impeaches VP Sara Duterte

Paliwanag ni PNP Public Information Office Chief BGen. Jean Fajardo, kinakailangan ng pahintulot ng korte sa anumang aktibidad ng isang indibidwal na nakapiit sa PNP Custodial Center.

Samantala, wala pang desisyon ang korte sa mosyon ng kampo ni Quiboloy kaugnay ng kanyang hirit na hospital arrest.

Read More:  Labor coalition criticizes Senate leadership Change

Ang pre-trial ng kanyang kasong qualified human trafficking ay nakatakda sa November 22 sa Pasig RTC Branch 159, kung saan inaasahan ang resolusyon ng korte.