SP Escudero – iginiit na hindi magiging madali ang pag-apruba sa mandatory ROTC

Nilinaw ni Senate President Chiz Escudero na hindi maaring ipatupad lang ng basta-basta ang mandatory Reserve Officers’ Training Corps dahil maraming aspeto ang dapat isaalang-alang kabilang na rito ang pondong gagamitin.

Ayon kay Escudero, sa kanilang naging pag-uusap ni Defense Secretary Gibo Teodoro lumalabas na nasa P8 bilyon ang kakailanganin upang mapatupad ito.

Read More:  Ex-DPWH Chief Bonoan to testify against Martin Romualdez

Ibig sabihin sa loob umano ng tatlong taong pagpapatupad nito, tinatayang nasa mahigit kumulang P27 bilyon ang kakailanganing pondo ng gobyerno.

Read More:  Sara Duterte defense team says it is ready for impeachment trial

Kung saan, ayon kay Escudero marami pang pupwedeng paglaanan ng perang ito.

Kasunod nito, lubos umano nilang titimbangin sa Kongreso ang marapat na maging desisyon hinggil dito.