Nagsampa ang mga otoridad ng qualified human trafficking complaint laban kay Cassandra Li Ong at higit na 50 indibwal kaugnay sa sinalakay na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) firm sa Porac, Pampanga.
Ito ay matapos maghain ng reklamo ang Department of Justice (DOJ) sa mga awtorisadong kinatawan ng POGO hub Lucky South 99.
Ang mga naturang akosado ay lumabag sa Republic Act (RA) 9208, na sinususugan ng RA 10364, na inamiyendahan pa ng RA. 11862.
Sa isang press briefing, sinabi ni Justice Undersecretary Nicky Ty si Ong ay sangkot sa Whirlwand Corporation na nagpapaupa sa lupa kung saan nakapwesto ang nasabing POGO hub.
Samantala, sangkot rin si Ong at ang kanyang mga kasamahan ng money laundering complaint.