Mananatili sa PNP Custodial Center si Apollo Quiboloy at kapwa-akusado nito sa kabila ng commitment order na inilabas ng Quezon City Regional Trial Court na ilipat sila sa Quezon City Jail.
Paliwanag ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, maghahain pa ng report ang PNP upang ipaalam sa QC-RTC na mayroon ding kaso sina Quiboloy na qualified human trafficking na walang karampatang piyansa sa Pasig-RTC.
Iginiit din ni Fajardo na hindi nila ibabyahe sina Quiboloy dahil sa security concerns
Samantala, tuloy naman sa Biyernes ng umaga ang arraignment at pre-trial ng mga akusado sa pamamagitan ng video conferencing para sa kasong child at sexual abuse.