Quad Comm kay Roque – ‘sumuko ka na!’

Nanawagan si House Quad Committee Chairman Robert Ace Barbers kay dating presidential spokesperson Harry Roque na sumuko na matapos ibasura ng Korte Suprema ang inihain nitong writ of amparo laban sa contempt at detention orders na inilabas ng komite.

Hamon ni Barbers, huwag nang magtago at harapin ang mga alegasyon na ibinabato kay Roque partikular ang pagyaman umano sa tulong ng POGO.

Read More:  Former presidential spokesperson Roque pushes back vs BIR complaint

Iginiit din ni Santa Rosa City Representative Dan Fernandez na hindi na ito ang panahon para magpalusot at sagutin na ang mga alegasyon sa proper forum.

Hindi aniya dapat itago ni Roque ang kanyang sarili sa likod ng mga technicalities o mga writ na wala namang basehan.

Umapela naman si Barbers na makipagtulungan na lamang si Roque sa imbestigasyon upang lumabas ang buong katotohanan.

Read More:  VP Sara’s camp assures participation in Senate impeachment trial

Sa desisyon ng SC na inilabas nitong October 1, nilinaw nito na ang writ of amparo ay para lamang sa kaso ng extrajudicial killings o enforced disappearances, at hindi pasok dito ang sitwasyon ni Roque.

Ipinunto naman ni Fernandez na dapat ang mga taong nasa posisyon o kapangyarihan ay magsilbing mabuting ehemplo hindi tulad ni Roque na paulit-ulit na umiiwas.