Humingi ng tawad ang Quezon City Police District (QCPD) hinggil sa leaked video sa pagkamatay ng batikang aktor na si Ronaldo Valdez.
Sa isang panayam, sinabi ni QCPD Director Police Brigadier General Redrico Maranan na taos-puso silang humihingi ng paumanhin sa lahat ng pamilya ng Gibss, at mga kaibigan sa sakit na naidulot ng paglabas ng video.
Una nang natanggal sa puwesto ang limang tauhan ng QCPD matapos ang nangyaring video leak.
Ayon kay Atty. Lorna Kapunan, abogado ng pamilya Gibbs – kasalukuyan nang gumuglong ang imbestigasyon laban sa mga pulis na responsable sa nabanggit na insidente.
