Tiniyak ng pamahalaang lungsod ng Quezon at Maynila na handa na silang bigyan ng tulong ang mga pasaherong maapektuhan ng protest caravan.
Ayon kay Dexter Cardenas, Quezon City Traffic Department Chief na maglulunsad ang kanilang himpilan ng libreng sakay.
Aniya, handa na rin ang Quezon City Police District (QCPD), Department of Public Order and Safety at Task Force- Disiplina ng pamahalaang lungsod.
Sa kabilang dako, sinabi ni Manila Public Information Office Chief Princess Abante na may koordinasyon na ang Manila Traffic and Parking Bureau at Manila Police District (MPD) para tutukan ang sitwasyon.
Dagdag pa ni Abante, may mga emergency vehicles na ring naka-stand by sakaling kailanganin ng mga apektadong commuters.
