QCPD, muling nagsampa ng panibagong kaso laban sa ilang miyembro ng MANIBELA

Muling nagsampa ng kasong kriminal ang Quezon City Police District laban kay Manibela Chairman Mar Valbuena at dalawa pang miyembro nito matapos magkilos-protesta sa tapat ng Batasang Pambansa noong May 6.

Sinampahan ng kasong paglabag sa  B.P. 880 o Public Assembly Act of 1985, paglabag sa Article 155 ng Revised Penal Code o Alarm and Scandal at paglabag sa Article 151 ng RPC o Resistance and Disobedience sina Valbuena, Reggie Manlapig, at Alvin Reyes sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Ayon QCPD, walang permit mula sa Quezon City LGU ang grupo para maglunsad ng kilos protesta.

Nasa humigit kumulang 500 raliyista ang nagkilos protesta na nagdulot ng matinding abala sa publiko at motorista.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *