Japanese Nat’l na wanted sa kasong rape, arestado sa Parañaque

Nag-iintay na ng kanyang deportasyon ang isang wanted na Japanese national matapos maaresto ng mga operatiba ng Bureau of Immigration fugitive search unit sa San Dionisio, Parañaque City.

Inaresto ang puganteng Japanese dahil sa patong-patong na kasong kinahaharap nito sa Japan at sa inilabas na deportation order noon pang August 2021 dahil sa pagiging undesirable alien nito.

Ayon sa BI, ang dayuhan ay sangkot sa mga serye ng pagdukot at panggagahasa sa isang babae at ilan pang babaeng menor de edad sa Japan.

Taong 2019 pa nang magtago sa bansa ang hapon hanggang sa maaresto ito sa Parañaque City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *