6 na mangingisda na-rescue, matapos lumubog ang kanilang bangka

-Reymund Titong

KABANKALAN CITY, Negros Occidental — Halos dalawang oras na palutang-lutang ang anim na mangingisda matapos lumubog ang kanilang bangka sa karagatan na sakop ng Lungsod ng Silay, araw ng Linggo, Mayo 12, 2024.

Pahayag ni Philippine Coast Guard (PCG)-Northern Negros commander Paterno Belarmino, pasado alas siyete naman ng umaga nang masira diumano ang kanilang sinasakyang ‘motorized bangka’ dahil sa matinding hampas ng alon, na nag resulta sa pagkawala nito sa balanse, na naging dahilan naman sa pagpasok ng tubig, bago tuluyang lumubog.

Na-rescue naman ang mga mangingisda matapos may isang malaking barko na dumaan malapit sa pinangyarihan ng insidente, at tumawag sa pinakamalapit na Philippine Coast Guard (PCG) sub-office sa lugar upang humingi ng tulong.

Kinilala ang mga na-rescue na sina Arnel Sevilla, Jondle Sevilla, Joan Infante, Ricky Sevilla, Elmer Tiongzon, at Liberato Sevilla na mga residente ng Catabla, Baybay, Barangay Zone 3, Lungsod ng Talisay.

Wala namang may malubhang nasaktan sa pangyayari at nasa estable na kondisyon na ang mga na-rescue na mangingisda.*

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *