Paggamit sa Medical Marijuana bilang Compassionate Alternative Treatment isinusulong

Isinulong ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla na payagan sa Pilipinas ang paggamit ng medical marijuana o cannabis.

Sa Senate Bill 230 na inihain ng senador ipinaliwanag nito na matagal nang ginagamit ang marijuana bilang herbal medicine para sa mga karamdaman tulad ng gout, rheumatism, at malaria.

Read More:  DOE files complaint against Leviste, Solar Para sa Bayan officials

Maliban dito nais din ni Padilla na magkaroon ng mas malawak na pananaliksik dito bilang gamot.

Nguni’t iginiit naman ng mambabatas na dapat magkaroon ng parusa sa pag-abuso ng marijuana.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang medical cannabis – na produkto na tulad ng capsule at oil at hindi ang raw cannabis – ay gagamitin para sa “debilitating medical condition” ng “qualified patients.”

Read More:  Marcos, Thai PM commit to deeper partnership after ASEAN Summit talks

Magiging principal regulatory agency naman ang DOH na magtatayo ng Medical Cannabis Compassionate Center (MCCC) sa public tertiary hospitals at gagawa ng Prescription Monitoring System at electronic database ng registered medical cannabis patients at physicians.
#