Sugatan ang 12 pasahero ng Qatar Airways matapos na tamaan ng tubulence.
Ang nasabing eroplano ay mula sa Doha at patungo sana sa Dublin, Ireland.
Dahil dito, nagpatupad ng emergency landing ang eroplano.
Ayon sa Dublin Airport ang mga biktima ay kinabibilangan ng anim na pasahero at anim na crew members kung saan walo sa kanila ang dinala sa pagamutan.
Tiniyak ng airline company na kanilang bibigyan ng tulong ang mga sugatang pasahero.