‘Q Fever’ na isang sakit sa mga kambing, tupa, at mga baka – nakapasok na sa bansa

Kinumpirma ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang kauna-unahang kaso ng Q Fever sa bansa.

Ang Q Fever ay isang zoonotic disease na nakaaapekto sa mga kambing, tupa, at baka, at maaari ring mai-transmit sa tao.

Karamihan umano sa mga kambing na nagpositibo sa sakit ay mula sa Santa Cruz, Marinduque.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Samantala, binigyang-diin naman ni BAI National Veterinary Quarantine Services Division OIC Chief Dr. Christian Daquigan na wala pang nakukumpirmang kaso ng naturang sakit sa tao.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), magpapatupad sila ng temporary ban sa importasyon ng kambing mula sa US.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Sa kabila nito, nilinaw ni Daquigan na ligtas pa rin naman kainin ang mga kambing basta ba’t naluto ito nang maayos.

Dapat din umano’y properly pasteurized ang mga goat milk bago ito i-consume.