Kaso laban kay Guo – dapat na raw magsilbing babala sa mga protektor ng POGO ayon sa PAOCC

Nagbabala ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa mga nasa likod ng ilegal na POGO operations sa bansa.

Ayon sa PAOCC, dapat nang maging warning sa mga nagpapatakbo ng POGO ang nangyayaring pagsasampa ng kasong qualified human trafficking laban kay Bamban Mayor Alice Guo.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Kasabay nito, tiniyak ng ahensya na hahabulin nila ang mga ilegal na nag-o-operate ng POGO hubs, at pananagutin ang mga ito sa batas.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Samantala, siniguro naman ng PNP ang pakikipagtulungan sa PAOCC para mahuli ang mga indibidwal na nagpapatakbo ng POGO.