CAMARINES NORTE – Naniniwala ang Provincial Disability Affairs Office na dapat ay mag-evolve na rin ang Department of Trade and Industry pagdating sa mga discounted commodities.
Sinabi sa Brigada News FM Daet ni Provincial Disability Affairs Officer Rex Bernardo na sa gitna ng makabagong teknolohiya at online platform at maraming gamit ng cellphone nagiging essential na raw ito sa panahon ngayon.
Gamit na rin kasi ang internet sa trabaho na kailangang kailangan na rin tulad ng ilaw at kuryente.
Noong nkaraang linggo ay naglunsad ng orientation seminar ang DTI hinggil sa Joint Administrative Order na nagtataas sa special discount sa senior citizens at PWDs mula sa P65 kada linggo at nagi na itong P125 o katumbas na P500 na cap kada buwan na subject to review kada ikalimang taon.
Ngangahulugan ito na mula sa P1, 300 na purchase cap kada linggo ay ginawa nang P2, 500.
Kabilang dito ang mga de lata, sabon, at iba pang grocery items at iba pa.
