Provincial training para sa 2024 Census of Population at Community-Based Monitoring System natapos na

CAMARINES NORTE – Natapos na ang isang buong linggong provincial training para sa 2024 Census of Population at Community-Based Monitoring System na pinagasiwaan ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Nagsimula ang training noong June 17 na nagtapos noong Sabado June 22 na dinaluhan ng PSA persons at census area supervisor.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ayon kay PSA Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao, malaki ang pakinabang ng mga makukuhang datos sa 2024 popcen CBMS partikular ng mga Local Government Unit, national government agencies, business industry, research at academe.

Nakatakda namang masgimula ang field operations sa July 15 at posibleng magtapos ng mas maaga sa at hindi na umabot sa target na September dahil maliit lang naman umano ang Camarines Norte.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Kaugnay nito, hinimok ng PSA ang publiko na makiisa sa 2024 popcen at CBMS.