Putin at Biden nagpulong kaugnay sa military buildup ng Russia

Nais ni Russian President Vladimir Putin na makipagpulong muli kay US President Joe Biden.

Sa isang video clip, sinabi ni Putin na dapat silang mag-usap ni Biden at gusto niya itong mangyari.

May kaugnayan ang diskusyon sa military buildup ng Russia malapit sa border ng Ukraine kung saan nagpahayag ang America na handa silang mag-impose ng “strong economic measures” kapag sinakop ng Moscow ang nasabing bansa.

Read More:  62-year-old OFW dies in highway crash in Taiwan

Una nang kapwa inatasan nina Biden at Putin ang kanilang team na tutukan ang kanilang mga napag-usapan tungkol sa Ukraine nang magpulong sila noong nakaraang linggo

Read More:  15 injured, over 300 houses damaged after tornado hits Southern France

Nagkasundo ang dalawang leader na nararapat na mag-usap silang muli pero wala pang malinaw kung kailan ito at paanong paraan sila muli magpupulong.

Hindi naman isinasantabi ng White House ang posibilidad na magkaroon ng in-person meeting ang dalawang leader.