Miyembro ng NPA at tinaguriang rank no. 9 MMWP, arestado

SORSOGON CITY- Hulog na sa kamay ng mga awtoridad ang isang hinihinalaang miyembro ng makakaliwang grupo nang ito ay madakip matapos na hainan ng kanyang warrant of arrest sa Purok 1 Brgy. Sta. Lourdez, Barcelona, Sorsogon.

Kinilala ang akusado na si Vicente Domalaon Laguidao, 57- anyos, may asawa , karpintero at residente ng nasabing lugar.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Itinuturing na CTG Member ang akusado na miyembro ng Militia ng Bayan sa ilalim ng Larangan 1, Komite Probinsiyal 3.

Batay sa ulat, pinagsanib na pwersa ng mga otoridad sa pangnguna ng Barcelona MPS ang nagsilbi ng WOA na ipinalabas ng RTC 5th Judicial Region Branch 54 para sa kasong pagpatay na walang inerekomendang piyansa.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Nasa kustodiya na ito ng mga otoridad para sa kaukulang disposiyon bago ipresenta sa korte.