Pulse Asia: 41% ng mga botante may kompleto nang Senate slate para sa May polls

Ibinunyag sa latest Pulse Asia pre-election survey na less than half ng mga posibleng botante ang nag-draft na ng kanilang kompletong senatorial slate, ilang linggo bago ang May 9 elections.

Sa April 16-21 survey, tanging 41% ng mga respondents ang may mga pangalan ng kabuoang 12 choices para sa senatorial post, mula sa overall 64 candidates.

Read More:  Palace says VP Sara’s alleged threat involves national security

Kaugnay nito, mayorya ng mga respondents na nakakompleto ng kanilang listahan ay mula sa Visayas (58%) at Mindanao (55%), at mga botante mula sa Class E (55%).

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Ang survey sa 2,400 respondents ay isinagawa sa pamamagitan ng face-to-face interviews, na may edad 18-taong gulang pataas.

Ito rin ay may ± 2% error margin sa 95% confidence level at ± 4% error para sa sakop na major island groups. //MHEL PACIA-TRINIDAD