De Lima, pinuri ang pagkambyo ni Ragos, kahit…

Pinupuri parin ni detained Senator Leila de Lima ang pagbawi ni Rafael Ragos sa kanyang mga naging alegasyon laban sa kanya, sa kabila na ito umano ay “five years too late na.”

Kaugnay nito, umaasa si De Lima na makonsensya rin ang lahat ng mga nasangkot sa gawa-gawang kaso laban sa kanya.

Read More:  VP Sara’s camp questions withdrawal of two impeachment articles

Mababatid na ang senador ay nakakulong sa Camp Crame simula pa noong February 2017 dahil sa alegasyon na illegal drug trade sa loob ng New Bilibi Prison , noong ito ay kalihim pa ng Department of Justice.

Read More:  ₱7.2 trillion 2027 budget wins House approval amid pork barrel allegations

Sa inilabas na affidavit na notaryado sa Pasig City noong April 30, 2022, tahasang inamin ni Ragos, na dating officer-in-charge ng Bureau of Corrections, na inentoragate at pinuwersa umano siya ni noo’y Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na umamin sa isang bagay na hindi naman umano talaga nangyari. //MHEL PACIA-TRINIDAD