Pumalo na sa 75% ang mga fully vaccinated sa Pilipinas mula sa target population, sa harap na patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakapagturok na ang gobyerno ng primary doses sa 67.9 million individuals o 75 percent ng kanilang initial target na 90 million bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa mga fully vaccinated, 6.7 million ang matatanda, 8.9 million ang immunocompromised persons, 2 million ang mga batang may edad 5 hanggang 11; 9.2 million ang teens, at ang iba ay general population.

Samantala, may 13 million fully inoculated individuals naman na nakatanggap na ng kanilang booster shots, habang 38.7 million pa ang eligible.
Sa gitna nito, may 7,430 immunocompromised persons narin na nakatanggap ng kanilang second booster. //MHEL PACIA-TRINIDAD