Pulisya nagbabala sa mga gumagamit ng boga

NAGA CITY – Nagbabala ang Municipal Police Station ng Goa, Camarines Sur na hindi nila palalagpasin ang sinumang makitaan na gumagamit ng improvised na paputok.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PMAJ Rodolfo Borromeo, Chief of Police ng Goa MPS, sinabi nitong kasalukuyan na nilang pinag-aaralan ngayon ang mga posibleng kaso na kahaharapin ng mga lalabag lalo na ngayon palang may reklamo nang nakarating sa kanila na umano’y gumagamit at nagpapaputok na ng boga, maging ang paggamit ng mga ipinagbabawal na mga paputok o firecrackers mahigpit nilang susuriin.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City
Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Kaya paalala ng opisyal lalo na sa mga residente na agad na ipaalam sa kanila kung sakali mang may mga iligal nang aktibidad upang kaagad ding maaksyonan.