Pamamahagi ng food packs na may kasamang media noche items para sa 17, 000 households sa bayan ng Mercedes sinimulan na

CAMARINES NORTE- Sinimulan na kamakalawa ang pamamahagi ng food packs na may kasamang media noche items para sa 17, 000 households ng bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Ayon sa Municipal Public Information Office limang Barangay ang unang tumanggap ng food packs sa unang araw ng pamamahagi nito.

Ito ay ang mga Barangay ng Catandunganon, Gaboc, Cayucyucan, Mambungalon, at Manguisoc.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Laman nito ang bigas, de lata at iba pang basic na pangangailangan at spaghetti pack para may mapagsaluhan ang bawat pamilya sa bagong taon.

Ayon sa LGU bahagi ito ng programa na mabigyan ng ayuda ang bawat pamilyang Mercedeño sa panahon ng “amihanon.”

Ang bayan naman ng Basud ay nauna nang mamahagi ng food packs sa kanilang constituents bago mag pasko.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Bagamat hindi katulad ng dati na noche Buena packs ang ipinamigay, siniguro ng LGU na kahit papaano ay maibigay ang basic na pangangailangan ng mga tao.

May ilan din namang barangay ang nag- initiate na mamahagi ng pang media noche sa kanilang constituents.