Pulisya, blangko pa rin sa pamamaril sa magsasaka ng niyog sa Sorsogon

Nananatiling palaisipan pa rin sa mga awtoridad ang naganap na pamamaril sa isang 39-anyos na coco-farmer sa bayan ng Bulusan.

Sa pahayag sa Brigada News ng hepe ng Bulusan MPS na si PCapt Alwin Latonio, sinabi nito na blanko pa sila sa motibo at wala pa silang natutukoy na ‘person of interest’ sa pamamaril kay Rey Gamos Fulla, naninirahan sa Brgy San Bernardo ng nasabing bayan.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Batay sa ulat, natagpuan na lang ng isang residente sa nasabing barangay ang mga labi ng biktima na nakadapa sa lupa, malapit sa kanyang kyosko at naliligo sa kanyang sariling dugo.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Narekober ng mga imbestigador sa pinangyarihan ng krimen ang 5 basyo ng bala mula sa kalibre 45 na pistola.

Nagpapatuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga awtoridad.