Pinarangalan ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang isang pulis na nasawi habang tinutupad ang kanyang tungkulin.
Nabaril kasi ang biktimang si Police Staff Sgt. Orvin Seth Lim Felicio, ng isang menor de edad na sinita nito dahil sa paglabag sa curfew nitong Hulyo 27 sa Oakridge Barangay Banilad sa Mandaue City.
Kahapon , personal na binisita ni Marbil ang burol ng nasawing pulis at kinilala ang kadakilaan nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng phostomous award na medalya ng kadakilaan dahil sa sakripisyo at pagbubuwis ng buhay sa pagtupad ng tungkulin.
Nagpaabot din ng financial aid si Marbil sa pamilya ng nasawing pulis sa pamamagitan ng Public Safety Mutual Benefit Fund Incorporated (PSMBFI) ng Police Regional Office 7.
Samantala makalipas ang ilang oras ay nadakip din ang suspek na menor de edad at ngayon ay patuloy na nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Mandaue City