Walang namonitor na Chinese vessel ang Armed Forces of the Philippines sa isinagawang Maritime Cooperative Activity sa pagitan ng Pilipinas at US.
Ito ang sinabi ni AFP Public Affairs Office Chief, Col. Xerxea Trinidad matapos ang joint patrol na nilahukan ng USS Mobile (LCS26) at BRP Ramon Alcaraz (PS16).
Ang MCA ay isinagawa kahapon sa exclusive economic zone ng Pilipinas, partikular sa operational area ng WESCOM.
Layunin ng MCA na mapalakas ang communication at operational coordination sa pagitan ng dalawang hukbo.