BI, nababahala sa pagdami ng mga menor de edad na kumukuha ng pekeng foreign passports

Inihayag ni Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco na nababahala siya sa kamakailang kalakaran ng mga menor de edad na dayuhan na kumukuha ng mga pekeng foreign passport.

Ito ay matapos maharang sa Ninoy Aquino Internation Airport ang tatlong batang Vietnamese na nagprisinta ng ilegal nilang nakuha na German passports.

Read More:  Batanes congressman rejects Chinese academics’ claim over Batanes

Ayon kay Tansingco, maaaring ito ay isang kaso ng trafficking ng mga menor de edad upang iligal na makapasok sa ibang bansa.

Read More:  BSP warns public against photocopying Philippine banknotes

Dahil dito, inalerto na ng opsiyal ang mga immigration officer sa lahat ng paliparan tungkol sa umuusbong na modus na ito.