Pulis na nasawi at nasugatan sa ikinasang operasyon ng sa Pampanga, binigyang-parangal ng PNP Chief

Binigyang-parangal ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil ang 2 Pulis na nag-alay ng kanilang sarili habang ginagampanan ang kanilang tungkulin bilang alagad ng batas.

Ito’y matapos masawi si PSSgt. Nelson Santiago habang sugatan naman si PCMSgt. Eden Accad sa ikinasang operasyon ng PNP Anti – Kidnapping Group sa Angeles City sa Pampanga nitong weekend.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Maaalalang sa naturang operasyon ay nasagip ang dalawang chinese nationals, at naaresto dalawang kidnappers na kapwa rin mga chines, ngunit nagresulta rin ito sa pagsawi ng isa, at pagkasugat ng isa pa sa mga pulis na rumesponde sa insidnete.

Personal na binisita ng PNP Chief ang burol ni Santiago kung saan, ipinaabot nito sa naulilang pamilya ang kanilang taos – pusong pakikiramay.

Read More:  Sen. Bato’s camp calls for respect for ex-PNP chief’s human rights

Binisita rin ni Marbil si Accad nanagpapagaling sa Angeles University Foundation Medical Center kung saan, tiniyak nito na kanilang ibibigay ang lahat ng pangangailangan para sa kaniyang paggaling

Kasabay nito, kapwa ginawaran ni Marbil ng Medalya ng Kadakilaan sina Santiago at Accad dahil sa kaniyang hindi matatawarang gampanin gayundin ay nagpaabot ng tulong pinansyal ang PNP sa naulilang pamilya nito.