Kaso ng dengue sa bansa – tuluy-tuloy sa pagtaas

33% ang itinaas ng dengue cases sa bansa sa unang pitong buwan ng 2024.

Ayon sa Department of Health (DOH), mula Enero hanggang Hulyo 27, kabuoang 128,834 nang indibidwal at tinamaan ng sakit.

Read More:  “Tapos ang boxing”? Sen. Tulfo confirms fresh talks to replace Senate President Cayetano

Mas mataas umano ito sa 97,211 cases noong nakaraang taon sa kaparehong period.

Sa kabila ng pag-akyat ng bilang ng dengue cases, sinabi ng ahensya na bahagyang bumaba naman ang dengue-related deaths.

Read More:  Sen. Bato’s camp calls for respect for ex-PNP chief’s human rights

Mayroon na lamang itong 337, mula sa 378 noong 2023.

Paliwanag ng DOH, ang pagbaba ng bilang ng mga nasasawi sa sakit ay dahil sa inisyatibo ng publiko na magpakonsulta, at mas pinabuting hospital case management.