Puerto Princesa City mayroong 1 suspek na kaso ng Delta Variant-IMT

Isang suspected ng Delta Variant ang binabantayan ngayon sa lungsod ng Puerto Princesa.

Ayon kay  Incident Management Team Commander Dr. Dean Palanca, ito ay nanggaling sa NCR at dumating sa lungsod linggo na ang nakakaraan.

Read More:  ₱4.35-M worth of smuggled cigarettes seized in Negros Occidental

Negatibo ang RT-PCR test result nito ngunit makalipas ang dalawang araw ay mabilis ang pagbagsak ng oxygen status at nagkaroon din ng mga sintomas ng sakit.

Sa ngayon patuloy na hinihintay ang confirmatory test result ng isang suspected ng delta variant mula sa Philippine Genome Center.

Read More:  5 NPA, underground group members surrender in Eastern Visayas

Paalala ng IMT huwag magpakampante dahil nanatili pa rin ang banta ng COVID-19 lalo na ang mas nakakabahalang Delta Variant.