Mag-ama na sakay ng motorsiklo patay sa nangyaring banggaan sa Puerto Princesa

Patay ang mag-ama sakay ng motorsiklo sa banggaan ng kotse kaninang umaga sa Bgy. Inagawan Sub, Puerto Princesa City.

Ayon kay kgwd. Elaine De Guzman ng Bgy. Inagawan Sub, galing bayan ng Aborlan ang isang motorsiklo habang papuntang Sur ang kotse na Ford Ecosport.

Posibleng nagkabulagaan umano sa lugar ang dalawang sasakyan nang mangyari ang aksidente.

Read More:  Mother killed in alleged stabbing by son in Cebu

Dead on the spot ang mag-ama na sakay ng motorsiklo habang dinala ang limang sakay ng kotse sa hospital.

Patuloy na iniimbestigahan ng kapulisana nag nangyaring aksidente.

Sa kugnay na balita , kinilala ang mag-ama na namatay sa aksidente na sina Jefrey Mones 32 anyos kasama ang anak  nito na si Mutya Mones ,  10 taong gulang residente ng Bgy. Plaridel , Aborlan  Palawan.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Ayon sa panayam ng Brigada News FM sa bilas ng biktimang lalaki , pabalik sana ang pamilya sa lungsod ng Puerto Princesa para mag-asikaso ng kanilang boarding house  dahil babalik na sana sa September 1 sa trabaho ang ama na biktima nang mangyari ngayong araw ang malagim na aksidente sa pamilya.

Samantala ang naulilalng asawa at anak na bunso ay naka shuttle van nang bumiyahe papunta sa lungsod.