Go, pinuri ang suspensyon ng PhilHealth sa pagpapatupad sa circular vs unpaid claims under probe

Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang Philippine Health Insurance Corporation dahil sa positibong pagtugon sa kanilang naunang apela at tumalima sa panawagan ng maraming stakeholders na huwag munang ipatupad sa ngayon sang circular na kanilang inilabas na nagpapatigil sa payments sa mga ospital na ang mga claims ay iniimbestigahan.

Ayon kay Go, nagpapasalamat siya PhilHealth dahil pinakinggan ang apela na bigyan muna ng palugit ang mga ospital para hindi naman maapektuhan ang serbisyo sa mga ordinaryong Pilipino na umaasa sa tulong at serbisyo ng PhilHealth at mga ospital lalo na ngayon na nasa public health emergency pa ang bansa. 

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

“Iba ang sitwasyon ngayon dahil nasa gitna nga tayo ng pandemya. Kung totoo talagang may mga fraudulent claims, eh ‘di kasuhan kaagad. Pero itong mga may problema lang sa papeles na wala naman intensyon na manloko ay bigyan ng palugit,” bahagi ng naunang apela ni Go.

Sa gitna nito, nilinaw ng senador na suportado niya ang layunin ng PhilHealth na matiyak na tanging mga lehitimong claims lang ang mababayaran.

“Bagamat sang-ayon ako sa hangarin ng PhilHealth na repormahin ang kanilang sistema para maproteksyunan ang pondo ng bayan laban sa mga nananamantala, isaalang-alang rin dapat natin ang mga maaapektuhang ordinaryong mamamayan na walang matatakbuhan at nangangailangan ng tulong lalo na pagdating sa kalusugan,” saad nito.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Kaugnay nito, hinimok ng mambabatas ang PhilHealth at mga kinauukulang ospital na magtulungan sa pag-validate sa legitimate claims habang tinitiyak na hindi maapektuhan ang paghahatid ng public health services.

“Ako naman po, bilang Committee on Health Chairman, interes ko po na magkaroon ng solusyon at hindi makompromiso ang kapakanan at kalusugan, lalung-lalo na po ‘yung mga ordinaryong Pilipino na nakasalalay po sa PhilHealth,” pahayag ni Go.