Puerto Princesa at Palawan, posibleng magkaroon ng krisis sa elektrisidad

Maaaring makaranas ng krisis sa elektrisidad ang Lungsod ng Puerto Princesa at Lalawigan ng Palawan dahil sa hindi umanong nababayarang utang ng National Power Corporation (NAPOCOR).

Ayon sa Chairman ng Committee on Energy sa Sangguniang Panlungsod na si Konsehal Elgin Damasco, nagpatawag ng emergency meeting si Mayor Lucilo Bayron kaugnay sa ipinadalang abiso ng Delta P. Incorporated (isa sa independent power provider ng PALECO) na posibleng pansamantala nilang itigil ang pag-supply ng kuryente ngayong katapusan ng buwan ng Setyembre dahil sa hindi na umano nito kayang abonohan ang pang-araw-araw na operasyon.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Bunsod umano ito ng napakalaking utang o bayarin ng NAPOCOR sa kanila na umabot na sa ₱ 400 million.

Dagdag pa ng konsehal, hindi lamang ang Delta P ang nakakaranas ng ganitong problema kundi maging ang DMCI at PPGI.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Dumalo rin umano sa pamamagitan ng virtual meeting si 3rd District Congressman Edward S. Hagedorn at nangako na kakausapin ang NAPOCOR at iba pang sangay ng National Government, upang magawang ng solusyon ang paparating na problema.

Samantala, nanawagan naman aniya ang City Government sa mga private sector lalo na sa mga mataas ang konsumo ng kuryente na kung maaari ay mag-advance payment sa PALECO upang matustusan ang ilang araw na pangangailangan ng Delta P.