Publiko pinagiingat sa mga gumagamit ng pangalan ng mga opisyal ng gobyerno para manloko

Pinag-iingat ng City PNP ang mamamayan ng Lungsod ng Puerto Princesa at Lalawigan ng Palawan laban sa mga indibidwal na gumagamit ng pangalan ng mga opisyales ng gobyerno at ibang pang organisasyon para makapangloko.

Ito ay matapos na gamitin sa panloloko o pang i-scam ang pangalan ni City PNP Director Ronie Bacuel ng isang hindi pa nakikilalang indibidwal.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Ayon kay PCPT. Victoria Carmen Iquin, tagapag salita ng City PNP, may isang indibidwal kasi na nagpakilalang siya raw si Ronie Bacuel at umorder sa ilang negosyante ng soft drinks na nagkakahalaga ng anim na libong piso at limampong kilo ng karneng baboy.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Ayon sa PNP, hindi kailanman hihingi ng anumang uri ng donasyon, GCASH load, pagkain, o anumang transaksyon si PCOL Ronie Bacuel sa pangalan ng Puerto Princesa City Police Office.

Samantala, hinihikayat din ng pulisya ang lahat na mag-ingat kapag hinihingan ng pera at agarang ireport sa mga otoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad na gaya nito.