Public consultation para sa BSKE postponement sa Negros Oriental, lumarga na

Nag-umpisa na ang coordinating conference ng Commission on Elections (COMELEC), Philippine National Police, at mga local police offices sa Negros Oriental para talakayin ang pagpapaliban ng barangay at sangguniang kabataan elections sa Negros Oriental.

Ayon kay Negros Oriental Police Dir. Alex Recinto – sa kasalukuyan ay ‘generally peaceful and manageable’ na ang sitwasyon sa lalawigan.

Mas mababa na rin umano ang bilang ng mga krimen, ilang buwan matapos ang pamamaskang kay Gov. Roel Degamo.

Read More:  Ombudsman complaint filed vs ES Ralph Recto over alleged ₱167-B fund transfers

Suportado naman ni Msgr. Julius Heruela ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting ang pagpapaliban ng halalan ng hanggang sa 30 araw.

Iminungkahi naman ni COMELEC chairperson George ang posibilidad na mayroong mga munisipalidad sa Negros Oriental ang hindi masasakop ng postponement.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Kabilang sa mga dumalo sa public hearing ay sina Garcia, PNP chief Gen. Benjamin Acorda, AFP chief-of-staff Gen. Andres Centino, at mga representatives sa iba’t ibang stakeholders at mga poll watchdogs gaya ng PPCRV.

Kung maaalala, una nang nagkaisa ang siyam na mga alkalde, kabilang na ang mga kaalyado ni Gov. Roel Degamo na i-postpone na muna ang BSKE.