Pag-iintriga sa liderato ni Senate President Zubiri dapat lang daw isnabin ayon sa ilang Senador

Naniniwala ang ilang Senador na dapat ay hindi na pansinin pa ang napaulat na pagpapatalsik kay Migz Zubiri bilang Senate Prisedent ng kasalukuyang Kongreso.

Ayon kina Senators Imee Marcos, Francis Tolentino, at Bong Go – wala namang nakararating sa kanila na ganitong mga balita.

Read More:  Political vlogger Mimaa Alicia killed in Caloocan shooting

Sabi pa ni Senadora Marcos, imbis na mang-intriga at mang-tsismis ay bakit hindi na lang nila pagtuunan ng pansin ang kanilang trabaho.

Giit naman ni Sen. Nancy Binay, huwag na dapat i-entertain ang ganitong klase ng isyu na hindi naman nakakatulong sa Senado.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Ayon sa ilang mga mambabatas, tiwala at kumpiyansa sila sa kakayahan ni SP Zuburi sa kasalukuyang liderato nito.

Sabi ni Senator Go, ang kasalukuyang Senado ay independent at nagtataglay ng energetic, consultative at fair leadership.//JCJ