Nire-review na ng economic team ni Pangulong Bongbong Marcos ang Maharlika Investment Fund (MIF) Bill.
Ayon kay Senador Win Gatchalian, ito raw ay upang masigurado ang ang legalidad nito ng Bill bago malagdaan ng Pangulo bilang isang ganap na batas.
Sabi ni Gatchalian, lalagdaan lang ito ni Pang. Marcos kung may rekomendasyon na galing sa economic team.
Kung maaalala, una nang nanindigan si Senate Minority Leader Koko Pimentel na mataas ang tiyansang maideklara lang na unconstitutional ang panukala.
Umapela rin si Pimentel na i-veto ang bill para maibalik sa Kongreso at magawan ng tamang amendments.
Total prohibition ng SSS at GSIS, babantayan
Nanindigan si Senador Francis Tolentino na mahigpit na ipinagbabawal na mag-allocate ng seed fund ang Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) sa Maharlika Investment Fund.
Ito ay makaraang sabihin ni Finance Sec. Benjamin Diokno na bagamat ‘di na kasali sa initial funding ang pension funds ay maaari pa rin silang sumosyo kalaunan.
Ayon kay Tolentino – mahigpit nilang babantayan ang pagbalangkas ng implementing rules and regulations o IRR sa oras na maging isa na itong ganap na batas.
Sa ganitong paraan umano ay matitiyak ang absolute at total prohibition sa paggamit ng pera ng mga SSS at GSIS members and pensioners sa MIF Law.
