PSWDO So.Cot, hihinto sa pamimigay ng ayuda dahil sa election ban

KORONADAL CITY – HANGGANG sa October 15, 2023 na lamang makakapagbigay ng ayuda ang Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO South Cotabato sa mga mamamayan na humihingi ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS.
Inihayag ni PSWDO Chief Sonia Bautista na ito’y dahil sa election ban na ipinatutupad kaugnay sa Barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections.
Ayon kay Bautista na humingi sila ng exemption sa Commission on Elections o Comelec ngunit hanggang sa October 15 lang ang ibinigay na palugit sa provincial government at maging sa Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 12 na makapapamigay ng ayuda.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting


Sakop ng election spending ban ang burial assistance, medical assistance, hospitalization assistance at pay-out sa mga benepisyaryo ng mga programa ng PSWDO.
Magpapatuloy ang releasing ng AICS pitong araw pagkatapos ng October 30 na halalan.
Kaugnay nito, umapela ang opisyal ng pang-unawa sa mga mamamayan at nanawagan na maghanap na lamang muna ng paraan upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan sa panahon ng election spending ban.
Kada araw, hindi bumababa sa 200 ang humihingi ng tulong sa PSWDO. Karamihan sa mga ito ay nangangailangan ng medical assistance.
Sa datos, mahigit sa P 109 million na ang nairelease na ayuda ng probinsya.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution