LEGAZPI CITY – Pinangunahan ng Provincial Social Welfare Development Office (PSWDO) ang Inauguration Ceremony ng Special Drug Education Center (SDEC) sa Albay Provincial Agricultural Office (PAO) sa bayan ng Camalig, Albay.
Ang SDEC ay naglalayong magturo at magbigay kaalaman sa mga kabataan sa epekto ng pag-abuso sa droga, drug abuse, nagtuturo ng ilang livelihood learnings, peer counseling, leadership, at pagpapaunlad ng komunidad.
Sinimulan ang nasabing inauguration ceremony sa pagsasagawa ng ribbon-cutting at blessing, na pingunahan nina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Representatives Maria Cristina Samson at Aileen Alim, kasama rin ang Officer in Charge ng PSWDO na si Maria Vivien A. Cea, at Police Provincial Office Police Lieutenant Colonel (PLTCOL) Ignacio D. Suarilla III, at Pag-asa Youth Association of the Phillipines (PYAP) Focal Eva Grageda.
Ito ay dinaluhan ng mga miyembro ng Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), partner agencies, at youth organizations.
Pinuri naman ng Bise Gobernador ng Albay na si Glenda Ong Bongao sa kanyang mensahe ang PSWDO at binigyang-diin ang papel ng SDEC.
Binigyang-diin naman ni OIC-PSWDO Maria Vivien Cea ang safe environment ng SDEC para sa edukasyon, kamalayan, at interbensyon para sa mga out-of-school youth, lalo na sa mga walang pormal na edukasyon, na nagbibigay-kapangyarihan sa kanila ng tamang impormasyon at tamang pagsasanay.