Murder case na nangyari mahigit 10 taon na ang nakakaraan, case solved na matapos maaresto ang suspek sa Masbate

Itinuturing na case solved na ang nangyaring kaso ng pamamaslang mahigit 10 taon na ang nakalilipas sa bayan ng Gubat, Sorsogon.

Bitbit ang warrant of arrest, tumungo pa sa bayan ng Aroroy, Masbate ang arresting team ng Gubat MPS upang isilbi at arestuhin si Samuel Felismino, 60-anyos, binata, magsasaka at residente ng Brgy Tiris, Gubat, Sorsogon.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Naaresto ang akusado sa Brgy Puro, Aroroy, Masbate.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Ang warrant of arrest ay ipinalabas ng RTC Br 54 at walang itinakdang piyansa.

Ang kaso ni Felismino ay nag-ugat noong taong 2012.