PSO- Naga, itinanggi na may pinipili sa pag wheel clamp

NAGA CITY- Itinanggi ng Public Safety Office (PSO) Naga na may pinipili sa pag wi-wheel clamp.

Ito ang binigyan diin ni PSO Executive Director Renne Gumba, matapos ang ilang puna na hindi patas o may hindi napapasadahan kahit wheel clamp area naman.

Read More:  High school students stabbed after street attack in Davao City; six minors taken into custody

Sa pagharap nito sa mga miyembro ng media sinabing walang pinipili, nagkataon lamang na nagkukulang ang pang-wheel clamp gayundin ang PSO personnel.

Ayon pa rito malapit nang madagdagan ang kanilang mga gamit kaya mas mapapalawak ang operasyon.

Read More:  Motorists stranded, road buried after flash flood hits Polomolok Village

Ang hakbang ay upang maibsan ang problema sa mabigat na daloy ng trapiko at madisiplina ang mga motorista at pagpapatupad ng City Ordinance 2018-018 o The Towing and Expanded Wheel Clamp Ordinance.