Mgen. Mina ng 5ID, kinilala ang papel ng media sa kampanya laban insurhensiya

Kinilala ni MGen. Laurence Mina, ang commander ng 5th Infantry Division ang kahalagahan at papel na ginagampanan ng media kasabay nang isinagawang 11th Ranger Olen Challenge Media fun shoot sa Camp Melchor F. Dela Cruz, Upi, Gamu, Isabela.

Read More:  Church theft suspect arrested in Bacolod drug bust, police link tattoos and confession

Binigyang diin ng heneral ang kahalagahan ng media bilang boses ng kasundaluhan sa mga mamamayan at maiabot sa mga ito ang kanilang mensahe at pagmamalasakit sa bayan.

Malaki rin aniya ang papel ng media sa patuloy na kampaniya laban sa insurhensiya at makamit ang tunay na kapayapaan at kaunlaran.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Hinangaan din nito ang katapangan ng mga mamahayag sa pagtataguyod ng tama at makatotohanang pagbabalita.