PSA nagtalaga ng Special Lane para sa mga kukuha ng dokumento na mayroon nang National ID

CAMARINES NORTE- Nagtalaga ng Special Lane ang Philippine Statistics Authority (PSA) para sa mga kukuha ng kanilang dokumento  na mayroon nang PhilID o National ID.

Alinsunod ito sa Office Memorandum No. 2022-122 na ipinalabas ng ahensiya.

Dahil dito hindi na kailangang mag- book ng appointment ang mga kukuha ng PSA documents.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Dalhin lang ang original na PhilID Card at photocopy nito at ipresenta sa PSA kung kukuha ng  dokumento o dokumento ng mga menor de edad na anak.

Nilinaw naman ni Camarines Norte Chief Statistical Specialist Maria Dulce Padayao na hindi ito applicable sa Provincial Field Office dahil walang online service.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Sa Naga at Legazpi lang umano ito kung saan nandoon ang online service para sa mga kukuha ng civil registry documents.

Nasa mahigit 35, 000 pa lang ng mga taga Camarines Norte ang nakakatanggap ng National ID sa mahigit 440, 800 na nakapagparehistro.

Patuloy din ang ginagawang step 2 registration sa lalawigan.